Kung kayo ay nag-asawa o nasa de facto na relasyon, maaari kayong maghati ng ari-arian mula sa inyong relasyon pagkatapos kayong maghiwalay. Ito ay tinatawag na paghahati ng ari-arian.

Hindi mahalaga kung ang ari-arian ay nasa pangalan lamang ng isang tao. Ito ay dahil maaaring baguhin ng korte kung sino ang may-ari para matiyak na ang ari-arian ay makatarungang nahahati.

May mga limitasyon sa oras para sa paghahati ng ari-arian kaya dapat kayong kumuha ng legal na payo agad-agad.