
Kung nakaranas ka ng pang-domestikong at pampamilyang karahasan maaari kang humingi ng tulong para manatiling ligtas.
Kung ikaw o ang kahit sino sa inyong kasama ay nasa agarang panganib―tumawag sa pulisya sa Triple Zero (000).
Mabilis na mga tips
- Kung kailangan mong agad umalis sa website na ito, gamitin ang exit button malapit sa kanang itaas na sulok ng bawat pahina. Tingnan din ang aming impormasyon tungkol sa online na kaligtasan.
- Para sa tulong sa emerhensyang pabahay, tingnan ang pabahay.
- Upang mag-ulat ng pang-domestikong karahasan sa pulisya, maaari kang tumawag o pumunta sa inyong lokal na istasyon ng pulisya.
- Maaari kang kumuha ng legal na tulong para sa mga bagay tulad ng Mga Utos Laban sa Karahasan sa Domestiko at mga arrangement para sa mga bata pagkatapos ng paghihiwalay. Tingnan ang legal na tulong.
- Para sa tulong sa pananalapi sa krisis, tingnan ang pinansyal na tulong.
- Para sa suporta, tingnan ang pagpapayo at suporta.
Maaari kang tumawag sa 1800 RESPECT para sa tulong sa kaligtasan.
Para makipag-ugnay sa iba pang mga serbisyo, tingnan ang humingi ng tulong.
Para matuto nang higit pa tungkol sa pagpaplano ng kaligtasan, tingnan ang website ng 1800 RESPECT. Ang website na ito ay may mga tip tungkol sa kaligtasan sa bahay, paggawa ng plano sa pagtakas at kaligtasan pagkatapos umalis. Nasa ibaba ang ilan pang mapagkukunan na maaaring tumulong sa pagpaplano ng kaligtasan.