Ang suporta sa bata ay ang pera na ibinabayad para suportahan ang mga bata pagkatapos maghiwalay ang kanilang mga magulang. Ang bawat magulang ay may pinansiyal na tungkulin na suportahan ang kanilang mga anak.

Maaaring kailangan magbayad ng suporta sa bata ang isang magulang kung sila ay nag-asawa, nasa de facto na relasyon, hindi nagsama o hindi nagkaroon ng relasyon. Maaari rin itong mag-apply sa mga magulang sa parehong kasarian.

Kung kayo ay naghiwalay sa kabilang magulang, maaari kayong mag-apply para sa pagtatasa ng suporta sa bata. Maaari kayong mag-apply kahit naghiwalay kayo sa ilalim ng iisang bubong.

Maaari kayong mag-apply online, o tumawag sa Suporta sa Bata sa 131 272 para mag-apply sa telepono.

Tingnan din ang kung ano ang magagawa kung nakaranas kayo ng karahasan sa tahanan at domestiko at natakot humingi ng suporta sa bata sa kabilang magulang.