Ang Independiyenteng Abogado ng Bata ay isang abogado na tumutulong sa korte na magpasya kung ano ang pinakamabuti para sa inyong mga bata.

Sila ay gumawa ng sariling posisyon tungkol sa kung ano ang pinakamabuti para sa inyong mga bata at hindi kailangang sumang-ayon sa posisyon ng alinmang magulang.

Sila ay kinakailangang makipag-usap sa inyong mga bata (maliban kung hindi angkop) at magtipon ng ebidensya para ibigay sa korte. Halimbawa, mula sa paaralan o doktor ng inyong mga bata.

Napaka-importante na dalhin ninyo ang inyong mga bata upang makipagkita sa Independiyenteng Abogado ng Bata kapag hiniling. Ito ay inayos sa pamamagitan ng appointment at ang mga magulang ay hindi nakaupo kapag nakikipag-usap ang abogado sa mga bata.

Ang mga bata ay karaniwang hindi nagbibigay ng ebidensya sa korte.

Maaari kang kumuha ng legal na payo tungkol sa mga Independiyenteng Abogado ng Bata.