• Magtabi ng kopya ng iyong utos sa iyo – Maaari mo ring magbigay ng mga kopya sa paaralan at sentro ng pangangalaga ng iyong mga anak.
  • Magbigay ng ulat sa mga paglabag – Kung ang kabilang partido ay lumalabag sa utos, dapat kang mag-ulat sa pulisya. Kung ligtas, magtago ng anumang ebidensya ng paglabag ng kabilang partido - halimbawa, itagong mga text message, kumuha ng mga larawan o isulat kung ano ang nangyari. Tingnan ano ang mangyayari kung may lumagos sa Domestic Violence Order?

  • Kumuha ng suporta – Kung kailangan mo ng tulong sa mga bagay tulad ng pera, pabahay o pagpapayo, tingnan ang kumuha ng tulong.
  • Maghanap ng kompensasyon – Kung nakaranas ka ng domestic at pampamilyang karahasan maaaring makapaghain ka ng kompensasyon o suporta sa pamamagitan ng isang sistema ng kompensasyon para sa mga biktima. Ang bawat Estado at Teritoryo ay may sariling sistema at iba't ibang batas tungkol sa kung anong suporta ang kanilang inaalok, mga limitasyon sa oras, at kung sino ang karapat-dapat. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong sistema ng kompensasyon para sa mga biktima.

Maaari kayong kumuha ng legal na payo, payo sa pag-upa o payo sa immigration.

Kung kayo ay napilitang umalis sa bahay nang hindi nakuha ang lahat ng inyong personal na mga gamit, tingnan ang paano ko maaaring maibalik ang aking mga gamit?