Kung kayo o iba pa ay nasa agarang panganib, tawagan ang pulisya sa Triple Zero (000).

Kung sa tingin ninyo ay ang isang bata ay nasa panganib, maaari ninyong iulat ang inyong mga alalahanin sa pamamagitan ng pagtawag sa Departamento sa inyong Estado o Teritoryo.

Ang pagkakakilanlan ng nagbigay ng ulat ay kadalasang pinananatiling kompidensyal.

Ang mga batas tungkol sa kung kailan dapat iulat ang mga bata na nasa panganib sa Departamento ay bahagyang magkaiba sa bawat Estado at Teritoryo. Upang malaman kung paano at kailan mag-ulat, bisitahin ang website ng inyong lokal na Departamento ng child protection sa ibaba.